Monday, January 30, 2006

hayy..ang hirap magexpect sa mga bagay bagay na wala rin naman palang patutunguhan..hindi ba? kung iisipin..mas maganda pang magexpect sa panget kesa sa maganda kase kung ganun..siyempre..handa na ang sarili mo sa mga posibleng mangyayari sayo..sana ganun na nga lang..pero..hindi ko pa rin nasunod..

ika nga ng aking mentor sa aming nakaraang recollection..ang dapat ko lamang gawin ay maghintay..patience is a virtue sabi niya..oo nga naman..kase ang mga tao ngayun, hindi na nakuntento sa mga bagay na meron sila..paminsan, hindi nila naiisip na marami na ang nabibigay ng Diyos, hindi lang lamang nila napapansin kase ibinibigay niya ito sa ibang paraan..ganun din kaya ang mangyayari sa akiN?! sabi niya rin na ang bawat paghihirap ko ay katumbas ng isang magandang resulta..tama nga naman..

pero sa ngayun, ang nasa isipan ko ay puno ng mga katanungan na hindi ko na mawari sa sobrang dami...(parang redundant na ewan)

hay..pero kung iisipin ko ang bawat pangyayari na naganap sa akin, dapat ko lamang tandaan na mangyayari rin ang mga dapat mangyari..yung tipong, may ibibigay pa rin ang Diyos sa akin..hindi ko lamang alam kung kelan niya ito ibibigay...pwedeng next week..bukas...o di kaya'y maya maya lamang..hindi natin alam..

siguro, kailangan ko lamang maging istrong..ayun ang tamang sagot..

okay lang kung ganun ang maging resulta..hindi dapat mabahala..
kahit sabihin pa nila na bakit pati dun, wala pa rin..aba..malay na lang nila...(labo)

ang dami ko rin palang natutunan sa aking mentor..kung iisipin, hindi ko akalain na ganun pala siya..grabe..ang saya niya kausap..para kasi dati, siya ang teacher at ako ang estudyante..yun lamang..nung reco, parang kaibigan at nanay ko na siya.wow..iba ang dating..
ang dami niyang sinabi sa akin na tumpak na tumpak sa sitwasyon ko ngayun..parang pagdating ng isang oras..mapapasalamatan ko siya dahil nagbigay tulong siya sa akin..seryoso.

sa totoo nga, nakakaiyak makipagusap sa kanya..pero hindi naman ako naiyak..naluluha lang..ayoko na umiyak ng mga panahon na yun..masakit na sa ulo at magiging diretso na ang mata ko, siyempre lagyan mo pa ng kulay pula ang gilid nito..ayus..

nung una..sabi ko na sana siya ang maging mentor ko..aba..nagkatotoo..swak! okay!

hay..kelan ko kaya masasabi sa sarili ko na nagtagumpay ako? actually..nasabi ko nanaman yan..pero kelan ulet?! darating din yan..

heya by Image hosted by Photobucket.com 12:45 AM | comment

Comments: Post a Comment