Monday, January 30, 2006
hayy..ang hirap magexpect sa mga bagay bagay na wala rin naman palang patutunguhan..hindi ba? kung iisipin..mas maganda pang magexpect sa panget kesa sa maganda kase kung ganun..siyempre..handa na ang sarili mo sa mga posibleng mangyayari sayo..sana ganun na nga lang..pero..hindi ko pa rin nasunod..
ika nga ng aking mentor sa aming nakaraang recollection..ang dapat ko lamang gawin ay maghintay..patience is a virtue sabi niya..oo nga naman..kase ang mga tao ngayun, hindi na nakuntento sa mga bagay na meron sila..paminsan, hindi nila naiisip na marami na ang nabibigay ng Diyos, hindi lang lamang nila napapansin kase ibinibigay niya ito sa ibang paraan..ganun din kaya ang mangyayari sa akiN?! sabi niya rin na ang bawat paghihirap ko ay katumbas ng isang magandang resulta..tama nga naman..
pero sa ngayun, ang nasa isipan ko ay puno ng mga katanungan na hindi ko na mawari sa sobrang dami...(parang redundant na ewan)
hay..pero kung iisipin ko ang bawat pangyayari na naganap sa akin, dapat ko lamang tandaan na mangyayari rin ang mga dapat mangyari..yung tipong, may ibibigay pa rin ang Diyos sa akin..hindi ko lamang alam kung kelan niya ito ibibigay...pwedeng next week..bukas...o di kaya'y maya maya lamang..hindi natin alam..
siguro, kailangan ko lamang maging istrong..ayun ang tamang sagot..
okay lang kung ganun ang maging resulta..hindi dapat mabahala..
kahit sabihin pa nila na bakit pati dun, wala pa rin..aba..malay na lang nila...(labo)
ang dami ko rin palang natutunan sa aking mentor..kung iisipin, hindi ko akalain na ganun pala siya..grabe..ang saya niya kausap..para kasi dati, siya ang teacher at ako ang estudyante..yun lamang..nung reco, parang kaibigan at nanay ko na siya.wow..iba ang dating..
ang dami niyang sinabi sa akin na tumpak na tumpak sa sitwasyon ko ngayun..parang pagdating ng isang oras..mapapasalamatan ko siya dahil nagbigay tulong siya sa akin..seryoso.
sa totoo nga, nakakaiyak makipagusap sa kanya..pero hindi naman ako naiyak..naluluha lang..ayoko na umiyak ng mga panahon na yun..masakit na sa ulo at magiging diretso na ang mata ko, siyempre lagyan mo pa ng kulay pula ang gilid nito..ayus..
nung una..sabi ko na sana siya ang maging mentor ko..aba..nagkatotoo..swak! okay!
hay..kelan ko kaya masasabi sa sarili ko na nagtagumpay ako? actually..nasabi ko nanaman yan..pero kelan ulet?! darating din yan..
Monday, January 23, 2006
ang dami daming gulo sa isang buhay ng tao..hindi ba?!
sandali..intermission..gusto ko tong kantang to..
Spoliarium
dumilim ang paligid
may tumawag sa pangalan ko
labing isang palapag
tinanong kung okey lang ako
sabay abot ng baso
may naghihintayat
bakit ba 'pag nagsawa na ako
biglang ayoko na
at ngayon
di pa rin alam
kung ba't tayo nandito
puwede bang itigil muna
ang pag-ikot ng mundo
lumiwanag ang buwan
san juan
di ko na nasasakyan
ang lahat ng bagay ay
gumuguhit na langsa 'king lalamunan
ewan mo at ewan natin
sinong may pakana?
at bakit ba
tumilapon ang
gintong alak diyan sa paligid mo?
at ngayon
di pa rin alam
kung ba't tayo nandito
puwede bang itigil muna
ang pag-ikot ng mundo
umiyak ang umaga
anong sinulat ni enteng at joey diyan
sa pintong salamin
di ko na mabasa
pagkat merong nagbura
ewan ko at ewan natinsinong nagpakana?
at bakit ba tumilapon ang spoliarium
diyan sa paligid mo?
at ngayon
di pa rin alam
kung ba't tayo nandito
puwede bang itigil muna
ang pag-ikot ng mundo
yan..ganda..panalo.ganda pa nung pagkakanta ng imago..ayun
anyway..bakit may mga bagay na hindi ko talaga maintindihan..sa sarili ko pa lang hindi ko na maisip kung ano nangyayari sa akin e. ewan..nakakalungkot ako...bahala na ang diyos..
nga pla..gusto ko to kantahin..
o diyos, d na mangangangamba dahil alam naming andyan ka lang
sa panahon ng paghihirap d mo kami pinabayaan
ikaw ang aming lakas at sandigan
sa buhay naming puno ng kahirapan..
ayos..
Friday, January 20, 2006
hay nako..bat nga naman ganun...nangyari na skin toh e..pangalawang beses na..grar! ayoko na..yung tipong gusto mong pumunta sa isang kwarto na pare-pareho kau..isang kwarto na nakakapag iba sa iyo..kwarto na kung saan pwede ka nang bumigay pero hindi mo kaya dahil maraming madadamay...yung parang gusto mo nang bumigay kase hindi mo na kakayanin....ang kwarto na puno ng maliliit pang kwarto..na may pabilog na upuan..kung san mo gusto ilabas ang lahat..may mga papel na nakarolyo..ano ba itong aking napasukan?!
Sunday, January 08, 2006
i'm here just to express my emotions after the tension i had this morning..ugh..unfortunately i didn't pass ateneo..yeah yeah..cge..first i cannot believe that i'm actually looking for my name, that i'm going to be a college student next school year..aayun..wala lng..then..i was slowly looking every letter..every surname..from a to z..and there...i found my surname..hehe..yeah..nde nga lng ako un..ehehe..too bad..pero parang isinautak ko na, na hindi talaga ako papasa e....pero i was trying to see myself sa mcdo..studying for my lessons in ateneo..or in starbucks..using a laptop...pero parang nde malagay lagay sa isip ko..cguro nde lng talaga ako bagay maging atenista..cguro, i'm more of an UPista..ehehe..yeah yeah..sana..after looking..i can't wait na lumabas ang up..hayyy..oh well..God has another plan for me..nde ako pang ateneo..ayun..ayus lng..but for those who passed..congratsssss!! galing nyo!!
pero parang nde ko ata makausap muna ang mga taong nakapasa..ehhe..ang galing e..well..anyway..bahala na..