Thursday, June 02, 2005
anong meron sa mga tao? parang kakatingin ko lng ng mga entry ng tao..lahat cla nagpapasalamat..kakaiba.
e sa totoo, dalawa lng nman ang pinuntahan ko...pero nagtataka ako kung bakit sila nagpapasalamat? aba'y nakakagulat..pero ok na rin..kse sbi ko nga..."i'm honored to be your friend!" eheh..ang kapal..
pero kung seseryosohin..natutuwa naman ako at naicpan nilang gumawa ng ganun..ehehe..nakakatuwa naman.
hay nako..cguro..kung ilagagay ko sa sitwasyon ang mga kaibigan ko..sigur..magpapasalamat din ako..pero ilalahat ko na....eto...SALAMAT...cge..bahala na kau isipin kung ano ano ung mga gusto kong ipasalamat...
hay nako..
ang nakakapagtwa lng sa akin ngyun ay ung pagbabasa ng ABNKKBKNPla? ehehe.sobrang tokpa nito..grbe...nung isang araw..habang nagbabasa nito..nagmumuka na akong tanga kse ako lang yung tumatawa..sa totoo, dun ko una nakuha ang salitang SAPAL..lht ng kaibigan ko naweirdohan skin nang marinig nila akong magsalita ng ganun...SAPAL..at nang tinanong nila..ay nako..mas lalon silang naguluhan..YAK
ay nako..nalalapit nanaman ang pasukan..araw araw kang gigising ng maaga para sa isang araw na makabuluhan..hay..
magsisilibasan nanaman ang mga bagong kagamitan sa mga batang grade one katulad ng:
pensil case
bolpen
pad peyper
ang mga masasarap amuyin na eraser
at sympre hindi mawawala ang mga nagsisibongahan na sapatos
ang mga sapatos na halos makikita mo na ang sarili mo dito sa sobrang kintab...aba...ayus..sabayan mo pa ng pomada sa mga lalaki..
o kay sarap ng mga bagong kagamitan pag umpisa nanaman ang iskool...yan lng ata ang mga gusto ko e..mga bagong kagamitan, pero makikita mo na wala png isang buwan e halos pudpod na ang sapatos ko sa kakalaro nito..hay..
ang kinaiisan ko dito..sa umpisa ng klase...ay kung cno2 ang magiging kaklase ko sa isang buong skool yir...?!
hay..sana naman maging maganda ito..last yr na sa iskool e...kolehiyala na ang susunod na magsusulat dito..ayus
hay...sha sha...
Comments:
Post a Comment